tumatawa na parang walang nangyari
nakangiti na parang walang nangyayari
itinatagong pilit sa mata ng iba
ang sakit at kabang nadarama
kaya mo yan, ikaw pa
yan ang sabi nila
gawin ang lahat ng makakaya
kun'di sa huli'y magsisisi ka
sa kabila ng mga ngiti
mga luha'y nagkukubli
kaya ko nga ba
gusto ko pa ba
sabay sabay ang buhos
walang katapusang unos
puro sugat na ang tuhod
isip at puso'y pagod na pagod
ang mga sugat ay maghihilom
ako'y muling babangon
sakit at pagod ay Kanyang papawiin
mga pag-aalinlangan Kanyang aalisin
ako'y magpapatuloy
hindi hahayaang mamatay ang apoy
hindi isasara ang libro
kahit buhay ay sadyang mapaglaro
It's funny how many times I hated the world, but still wanting to know it more. -kaijin
Huwebes, Oktubre 17, 2013
Lunes, Oktubre 7, 2013
Share entry#02
Movement or Motivated Work?
"Yung ginagawa mo yung isang bagay dahil kailangan mong gawin, movement ang tawag dun kasi yung pagiging motivated sa gawain yun yung ginagawa mo yung bagay na ‘yon dahil gusto mo." Revised words na ginamit ng classmate ko while reporting in our HBO Class. It just hit me. Bakit ko nga ba ginagawa ang mga bagay-bagay? Dahil ba kailangan o dahil gusto ko talaga? ‘Di ko kasi matukoy kung alin sa dalawa yung nangyayari sa akin most of the time. :3 I want to know. At sana malaman ko rin kung ano ang gusto ko. In time…
-CLR

Alikabok sa Bato
lumilipas ang araw
laman ng isip ay ikaw
laging nababagabag, nag-aalala
iniisip kung ayos ka lang ba
gusto kong maintindihan
madami akong katanungan
bakit nga ba ako iniwan
ano ang tunay na dahilan
sa kabila ng lahat ng ito
ay aking napagtanto
inuunawang pilit
kahit sa puso'y masakit
paano nga ba hindi
hahantong sa ganito
gayong isa lamang akong
alikabok na nakakapit sa bato
laman ng isip ay ikaw
laging nababagabag, nag-aalala
iniisip kung ayos ka lang ba
gusto kong maintindihan
madami akong katanungan
bakit nga ba ako iniwan
ano ang tunay na dahilan
sa kabila ng lahat ng ito
ay aking napagtanto
inuunawang pilit
kahit sa puso'y masakit
paano nga ba hindi
hahantong sa ganito
gayong isa lamang akong
alikabok na nakakapit sa bato
Share entry#01
I
can always be my dumb, clumsy, and carefree self.. Cause I dont have to
please anybody.. I already have people who can pissed me off and make
me shut my mouth but still able to cheer me up. I have people whom I can
cry on/can make me cry but will always wipe my tears dry (lets forget
the sabunot batok at lait n kasama).. I have people who are faithful
enough to stay with me though they have reasons
to walk away.. People who believes in me even though I failed. And most
of all people who love me so much that would mess their beautiful
selves just to tag along with my hilarious roller coaster life..
-MM
-MM
Martes, Oktubre 1, 2013
Ullyphobia
Siga man kung iyong titingnan
Mayroon din namang kinatatakutan
Pag nandiyan na ay hindi mapakali
Minsan pa nga'y napapatili
Ano nga ba'ng mayroon yaon
Pag nandiya'y tila napapatalon
Tsinelas lang naman ang katapat
'Wag lang ibubuka ang pakpak
Mayroon din namang kinatatakutan
Pag nandiyan na ay hindi mapakali
Minsan pa nga'y napapatili
Ano nga ba'ng mayroon yaon
Pag nandiya'y tila napapatalon
Tsinelas lang naman ang katapat
'Wag lang ibubuka ang pakpak
Lunes, Setyembre 30, 2013
And I Love You So
Third year high school for the nth time. Ganito ang buhay
ko. Paulit ulit sa magkakaibang lugar.
At sa paulit ulit kong gawain na ito, nakita ko ang pagkakaiba. Ang mga lugar
ay para ring mga salita, may kani-kaniyang ganda at kahulugan. At ang
nagbibigay ng kahulugan sa isang lugar ay ang mga taong naging kabahagi mo sa
pananatili rito. Tao ang laging mahalaga.
Habang tumutulo ang luha sa aking mga mata, nagteleport ako
mula sa Singkow, lugar na ayokong iwanan sapagkat lubusan itong naging mahalaga
para sa akin, papunta sa Cabiao. Nakakalungkot na kailangan kong umalis para sa
aking pag aaral. Sa pagdating ko sa Cabiao, hindi ko inaasahan ang pangyayari. Dahil
sa aking kalungkutan, hindi ko na napili ang aking lugar na lalapagan. Nagulat na
lang ako ng makita kong may isang babaeng nakititig sa akin na parang gulat na
gulat.
Nang mapansin nya ang luha sa aking mga mata, para siyang
natauhan. Biglang napangiti ang kanyang mga labi.
“bakit ka umiiyak?” bungad nya sakin.
Kakaiba ang ngiting iyon. Ngiting nagbibigay ng pag asa. Ngiti
na parang nagsasabing, “ayos lang yan. Nandito ako. Pakikinggan kita.”
Mapilit siya kaya sinabi ko sakanya ang lahat. Kung ano ako,
kung saan ako galing, kung bakit ako umiiyak, kung bakit ako nandito. Siya ang
unang tao na napagsabihan ko ng mga sikreto. Siya ay si Elaine.
Dahil nalaman na niya ang istorya ko, kinumbinsi niya akong
sa pinapasukan na lamang niya ako mag-aral. Oo nalang. Makulit ang lahi eh.
Sa unang araw ng pagpasok ko ay sinundo ko siya para may
kasabay ako. Dire-diretso lang ako sa bahay nila dahil kilala naman ako ng mga
magulang niya. Lumabas siya ng kanyang kwarto na handing-handa na. Binati niya
ako ng isang napaka-gandang ngiti. Napaka-ganda. Ang linis niyang tingnan sa
kanyang uniporme.
“Huy! Tara na! Aga-aga tulala. Haha!” wika niya kasabay ng
mahinang hampas sa akin.
“Sabi ko nga.” Tumayo na ako at nagpaalam na sa mga magulang
ni Elaine.
Lumipas ang mga araw, mas lalo akong napalapit kay Elaine. Araw-araw
ay sinusundo ko siya upang sabay kaming pumasok sa eskwela.
Kasabay ng aming patuloy na paglalapit ay ang pag-usbong ng
bagong damdamin sa aking dibdib. Sa bawat araw na lumilipas, mas tumitindi ang
aking nadarama, na tila ba nalimutan na ang sakit ng kahapon. Yung feeling na, “I
need you more each day.”? Yuon ang nararamdaman ko sakanya. Oo, mahal ko si
Elaine.
Araw-araw mas lalo ko siyang minamahal, ngunit kasabay ng
pagmamahal na ito ang sakit. Patalim sa aking dibdib ang kaisipang pag-sapit ng
enero, ako’y lilisan din.
Lingid sa kaalaman ni Elaine ang aking nadarama, ngunit alam
niya ang nalalapit kong paglisan.
Isang araw bago ang aking paglisan, nakiusap siya. Pinagbigyan
ko ang kanyang hiling kahit alam kong
mas magiging mahirap ito para sa akin.
Hiniling niya na manatili ako hanggang sa araw ng Prom. Nais
raw niya na ako ang kanyang maging escort at first dance.
Dumating ang araw ng Prom. Sinundo ko siyang muli, sa hulling
pagkakataon.
Ako: Good evening po tito, tita. Si Elaine po?
Tita: Good evening Justin. Sandali tawagin ko lang. Maupo ka
muna.
Ako: Sige po.
Sa aking pag-upo ay tumabi sa akin si tito.
Tito: Ingatan mo si Elaine ah.
Ako: Oo naman po tito.
Tito: Maihahatid mo pa ba siya mamaya pauwi?
Sandaling katahimikan. Tumingin ako kay tito at ngumiti ng
malungkot.
Tito: oh sige. Susunduin ko nalang.
Ako: Pasensya na po tito ha. Gusto ko po siyang ihatid pero…..
Tito: Pero baka hindi mo na kayaning umalis?
Putol niya sa akin. Tumungo na lang ako bilang sagot.
Ang sakit. Ang bigat. Napakasakit.
Natapos ng gumayak si Elaine, tumayo na ako at inalok ko ang
braso ko sakanya.
Ako: Tuloy na po kami.
Tita: Sige. Mag ingat kayo.
Habang naglalakad, nakakapit pa rin sa braso ko si Elaine. Tinanggal
ko ang pagkakakapit niya at hinawakan ko ang kamay niiya. Napatingin siya sa
akin at ngumiti.
Ako: Pano ba yan, huling sundo ko na sayo.
Elaine: Maihahatid mo pa ba ako?
Hindi ako sumagot, at hindi na rin siya nagsalita.
Sa prom, habang nagsasayaw kaming dalawa, hindi ko
mapigilang mag-isip.
Yung ngiti niya.
Yung namumula niyang ilong pag tumatawa.
Yung mga hampas, batok, at sabunot niya sakin.
Yung kadaldalan niya.
Siya.
Yung taong mahal na mahal ko, iiwan ko na.
Matatapos na ang kanta. Bigla akong niyakap ni Elaine. Nararamdaman
ko ang mga luha niya. Niyakap ko rin siya ng mahigpit. Ayaw ko na siyang
pakawalan.
Ngunit sa tuluyang pagtatapos ng kanta, siya na mismo ang
kumalas sa pagkakayakap sa akin. Pinunasan ko ang luha sa kanyang mga mata at
hinalikan ko siya sa noo.
Pagpasok ng bagong kanta ay may kumalabit sa akin, si Mark.
Manliligaw ni Elaine.
Kasabay ng pag-abot ni Elaine sa kamay ni Mark, ay ang
unti-unti kong paglalaho sa lugar na iyon.
“Mahal kita Elaine. Mahal na mahal.”
Kasabay ng mga katagang binitawan ang pag-agos ng mga luhang
nag-uunahan.
END.
Huwebes, Setyembre 19, 2013
Ang Buhay sa Pananaw Ko, Pake Mo? entry#02
Somethings are meant to be broken.
Obviously, it's true. As others say, "if it's meant to be, it will be.".
So "meant to be" here means, something you cannot change just because you don't like it.
Broken heart.
Broken promises
Broken family
Broken friendship
And yeah, what else can be broken?
Let's say a friend of yours just broke a promise.
That broken promise will break your heart.
And because of the pain your friend caused you, you can't trust him anymore.
And without trust, friendship cannot stand.
From then on, everything turns grey. You're a part of a broken family, and this friend of yours is all you've got. But you can't trust him anymore.
It's like Whoa! What a life you've got there!
And then you'll start asking "why?".
You'll start blaming people around you.
You'll start cursing people. Cursing life.
You'll start thinking "life is unfair".
Let me ask you this, if life is unfair for everyone, is it fair then?
Don't be blinded by anger and sadness.
There's a reason why your friend broke that promise. The question is, did you bother asking what that reason is?
Or maybe you know the reason and it doesn't make any sense to you. Think again.
Because maybe, just maybe, it makes perfect sense to the other person.
Somethings are meant to be broken.
The good news is, sa bawat bagay na nasisira, may nakalaan na manggagawa.
Broken friendship can be fixed by forgiveness.
Broken heart can be fixed by the fixed friendship.
Broken promise? Throw it away together with your sadness and anger.
Parang brown out lang yan. Don't panic in the dark, you'll just stumble. Babalik din naman ang liwanag. Kung medyo matagal yung brown out, light a candle.
#Meant to be: blaming is not an option

Ang Buhay sa Pananaw Ko, Pake Mo? entry#01
This is written out of craziness. Patnubay ng magulang ay kailangan.
Things I wanted to say, but I can't. So I decided to put it this way.
"Ganyan talaga ang buhay."
Yan ang lagi kong naririnig, mula sa sarili ko. Lagi ko ding sinasabi, "Life is a choice.".
But do we really have a choice?
Syempre meron. Malaya tayong pumili. Pero dapat handa tayo sa mga maaring mangyari ng dahil sa pinili natin. Yun ang tinatawag nilang consequences of our choice.
But people often complain, "why things are happening to their lives."
Lord bakit ako?
Lord bakit ngayon pa?
Lord baaaakeeeet??? T.T
Relate? Oo, lahat naman tayo dumaan jan.
But as they say, "life is 10% of what happens to you, and 90% on how you react to it".
Yeah it's true. I mean, be optimistic and trust God instead of questioning Him. Pero minsan, yung mga tao pa sa paligid mo ang OA magreact.
Tulad nung nangyari sa akiin nuong october 23, 2012, I'm on my way to National Conference sa World Trade. Papunta dun, nababa ako sa maling train station at hindi ko alam kung anong sasakyan ko papuntang World Trade. Ang dami kong taong natanung bago ako masakay ng jeep. Pag baba ko ng jeep, isang sakay pa. Sa multicab. Pagbaba ko sa may tapat ng World Trade, kinapa ko yung bulsa ko para itext ang mga kasama ko. Pero......
WALA NA!!
Wala na yung mahal na mahal kong cellphone. Blackapple pa naman yun!
Napabuntong hininga na lang ako. Nawalan ako ng gana nung araw na yun, pero kinalimutan ko nalang muna. Gaya nga ng lagi kong sinasabi, "cellphone lang yan."
Tanggap ko na yung pangyayare dahil wala ng magagawa, pero sila, ay nakoo. Daaaaldaaaal. Kung makapagsermon akala mo sakanila yung nanakaw eh. Pero ok lang, pinabayaan ko lang sila.
Pero sa tingin ko, dapat masanay na tayo sa ganun. Na sa buhay, may mahahalagang bagay na bigla na lang nawawala.
MOVE ON MOVE ON DIN.
#Accept what is gone

Sound of Silence
Sa panahong masaya
Oo nga't nandiyan ka
Ngunit pag ako'y nalungkot na
Maasahan ka pa kaya?
Kapag aking sinasabi wala ng kwenta
Pakikinggan mo pa kaya
At pag hindi mo ako naiintindihan
Basta mo na lang bang tatalikuran?
Sino nga ba naman ang makikinig
at iintindi sa katahimakan ng isang tao?
May ipinaparating nga ba ang katahimikan
at maaari ba itong maintindihan?

Linggo, Setyembre 15, 2013
Changes
The only constant thing in this world is Change.
Sa aking paglalakbay, hindi lang ako naging abala sa aking pag aaral. Naging abala rin ako sa pakikipagkilala, pakikipagkaibigan, at pakikisalamuha sa mga tao. Sa dalawang daang taon na pagbalik balik ko dito sa mundo, nakita ko ang pagbabago. Simula sa pagkakaraon ng radyo, na sinundan ng pagkakagawa ng black and white na tv. At sadyang hindi marunong makuntento ang mga tao, gumawa ng paraan at naging epektibo naman. Ang kinalabasan? Colored tv. Higit na mas nakakahalina at nakawiwiling panuoran. Sa paglipas ng panahon ay nagkaroon din ito ng iba't ibang sukat. At ang latest? Flat screen tv. Isa lamang yan sa mga pagbabago o pag-angat ng teknolohiya. Nakakatuwang tingnan, ngunit para sa akin ay hindi ganoon kaganda para sa sanlibutan. Dahil sa pagbabagong dulot ng teknolohiya, kakailanganing sumabay ng mga tao sa pagbabagong ito, kasama ako do'n.
Laging sinasabi ng mga nakatatanda na maswerte ang mga kabataan ngayon dahil higit na napaka dali na ng mga gawain para sa kanila. Totoong napaka dali na ng mga gawain, ngunit maswerte nga ba silang maituturing?
Kasabay ng pag angat ng teknolohiya ay siya namang pagsama ng sanlibutan.
Totoo, pasama na ng pasama ang mundo. Kurapsyon dito, kurapsyon diyan. Krimen dito, krimen diyan. Giyera dito, giyera diyan. Kalayaan? Kapayapaan? Nasaan? Magandang katanungan na isa lang ang kasagutan. Nasa puso ng tao. Ngunit hindi iyan ang pinupunto ko. Ang ipinupunto ko ay ang pagbabagong sadyang nakakalungkot kung titingnan na parang hindi na masusulusyonan. Ikaw na nagbabasa nito, alam mo naman siguro ang pagbabagong tinutukoy ko.

Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)