This is written out of craziness. Patnubay ng magulang ay kailangan.
Things I wanted to say, but I can't. So I decided to put it this way.
"Ganyan talaga ang buhay."
Yan ang lagi kong naririnig, mula sa sarili ko. Lagi ko ding sinasabi, "Life is a choice.".
But do we really have a choice?
Syempre meron. Malaya tayong pumili. Pero dapat handa tayo sa mga maaring mangyari ng dahil sa pinili natin. Yun ang tinatawag nilang consequences of our choice.
But people often complain, "why things are happening to their lives."
Lord bakit ako?
Lord bakit ngayon pa?
Lord baaaakeeeet??? T.T
Relate? Oo, lahat naman tayo dumaan jan.
But as they say, "life is 10% of what happens to you, and 90% on how you react to it".
Yeah it's true. I mean, be optimistic and trust God instead of questioning Him. Pero minsan, yung mga tao pa sa paligid mo ang OA magreact.
Tulad nung nangyari sa akiin nuong october 23, 2012, I'm on my way to National Conference sa World Trade. Papunta dun, nababa ako sa maling train station at hindi ko alam kung anong sasakyan ko papuntang World Trade. Ang dami kong taong natanung bago ako masakay ng jeep. Pag baba ko ng jeep, isang sakay pa. Sa multicab. Pagbaba ko sa may tapat ng World Trade, kinapa ko yung bulsa ko para itext ang mga kasama ko. Pero......
WALA NA!!
Wala na yung mahal na mahal kong cellphone. Blackapple pa naman yun!
Napabuntong hininga na lang ako. Nawalan ako ng gana nung araw na yun, pero kinalimutan ko nalang muna. Gaya nga ng lagi kong sinasabi, "cellphone lang yan."
Tanggap ko na yung pangyayare dahil wala ng magagawa, pero sila, ay nakoo. Daaaaldaaaal. Kung makapagsermon akala mo sakanila yung nanakaw eh. Pero ok lang, pinabayaan ko lang sila.
Pero sa tingin ko, dapat masanay na tayo sa ganun. Na sa buhay, may mahahalagang bagay na bigla na lang nawawala.
MOVE ON MOVE ON DIN.
#Accept what is gone
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento