Huwebes, Setyembre 19, 2013

Sound of Silence

Sa panahong masaya
Oo nga't nandiyan ka
Ngunit pag ako'y nalungkot na
Maasahan ka pa kaya?

Kapag aking sinasabi wala ng kwenta
Pakikinggan mo pa kaya
At pag hindi mo ako naiintindihan
Basta mo na lang bang tatalikuran?

Sino nga ba naman ang makikinig
at iintindi sa katahimakan ng isang tao?
May ipinaparating nga ba ang katahimikan
at maaari ba itong maintindihan?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento