Lunes, Setyembre 30, 2013

And I Love You So

Third year high school for the nth time. Ganito ang buhay ko.  Paulit ulit sa magkakaibang lugar. At sa paulit ulit kong gawain na ito, nakita ko ang pagkakaiba. Ang mga lugar ay para ring mga salita, may kani-kaniyang ganda at kahulugan. At ang nagbibigay ng kahulugan sa isang lugar ay ang mga taong naging kabahagi mo sa pananatili rito. Tao ang laging mahalaga.

Habang tumutulo ang luha sa aking mga mata, nagteleport ako mula sa Singkow, lugar na ayokong iwanan sapagkat lubusan itong naging mahalaga para sa akin, papunta sa Cabiao. Nakakalungkot na kailangan kong umalis para sa aking pag aaral. Sa pagdating ko sa Cabiao, hindi ko inaasahan ang pangyayari. Dahil sa aking kalungkutan, hindi ko na napili ang aking lugar na lalapagan. Nagulat na lang ako ng makita kong may isang babaeng nakititig sa akin na parang gulat na gulat.

Nang mapansin nya ang luha sa aking mga mata, para siyang natauhan. Biglang napangiti ang kanyang mga labi.

“bakit ka umiiyak?” bungad nya sakin.

Kakaiba ang ngiting iyon. Ngiting nagbibigay ng pag asa. Ngiti na parang nagsasabing, “ayos lang yan. Nandito ako. Pakikinggan kita.”


Mapilit siya kaya sinabi ko sakanya ang lahat. Kung ano ako, kung saan ako galing, kung bakit ako umiiyak, kung bakit ako nandito. Siya ang unang tao na napagsabihan ko ng mga sikreto. Siya ay si Elaine.

Dahil nalaman na niya ang istorya ko, kinumbinsi niya akong sa pinapasukan na lamang niya ako mag-aral. Oo nalang. Makulit ang lahi eh.

Sa unang araw ng pagpasok ko ay sinundo ko siya para may kasabay ako. Dire-diretso lang ako sa bahay nila dahil kilala naman ako ng mga magulang niya. Lumabas siya ng kanyang kwarto na handing-handa na. Binati niya ako ng isang napaka-gandang ngiti. Napaka-ganda. Ang linis niyang tingnan sa kanyang uniporme.

“Huy! Tara na! Aga-aga tulala. Haha!” wika niya kasabay ng mahinang hampas sa akin.

“Sabi ko nga.” Tumayo na ako at nagpaalam na sa mga magulang ni Elaine.

Lumipas ang mga araw, mas lalo akong napalapit kay Elaine. Araw-araw ay sinusundo ko siya upang sabay kaming pumasok sa eskwela.

Kasabay ng aming patuloy na paglalapit ay ang pag-usbong ng bagong damdamin sa aking dibdib. Sa bawat araw na lumilipas, mas tumitindi ang aking nadarama, na tila ba nalimutan na ang sakit ng kahapon. Yung feeling na, “I need you more each day.”? Yuon ang nararamdaman ko sakanya. Oo, mahal ko si Elaine.

Araw-araw mas lalo ko siyang minamahal, ngunit kasabay ng pagmamahal na ito ang sakit. Patalim sa aking dibdib ang kaisipang pag-sapit ng enero, ako’y lilisan din.

Lingid sa kaalaman ni Elaine ang aking nadarama, ngunit alam niya ang nalalapit kong paglisan.

Isang araw bago ang aking paglisan, nakiusap siya. Pinagbigyan  ko ang kanyang hiling kahit alam kong mas magiging mahirap ito para sa akin.

Hiniling niya na manatili ako hanggang sa araw ng Prom. Nais raw niya na ako ang kanyang maging escort at first dance.


Dumating ang araw ng Prom. Sinundo ko siyang muli, sa hulling pagkakataon.

Ako: Good evening po tito, tita. Si Elaine po?

Tita: Good evening Justin. Sandali tawagin ko lang. Maupo ka muna.

Ako: Sige po.

Sa aking pag-upo ay tumabi sa akin si tito.

Tito: Ingatan mo si Elaine ah.

Ako: Oo naman po tito.

Tito: Maihahatid mo pa ba siya mamaya pauwi?

Sandaling katahimikan. Tumingin ako kay tito at ngumiti ng malungkot.

Tito: oh sige. Susunduin ko nalang.

Ako: Pasensya na po tito ha. Gusto ko po siyang ihatid pero…..

Tito: Pero baka hindi mo na kayaning umalis?

Putol niya sa akin. Tumungo na lang ako bilang sagot.

Ang sakit. Ang bigat. Napakasakit.

Natapos ng gumayak si Elaine, tumayo na ako at inalok ko ang braso ko sakanya.

Ako: Tuloy na po kami.

Tita: Sige. Mag ingat kayo.

Habang naglalakad, nakakapit pa rin sa braso ko si Elaine. Tinanggal ko ang pagkakakapit niya at hinawakan ko ang kamay niiya. Napatingin siya sa akin at ngumiti.

Ako: Pano ba yan, huling sundo ko na sayo.

Elaine: Maihahatid mo pa ba ako?

Hindi ako sumagot, at hindi na rin siya nagsalita.



Sa prom, habang nagsasayaw kaming dalawa, hindi ko mapigilang mag-isip.

Yung ngiti niya.
Yung namumula niyang ilong pag tumatawa.
Yung mga hampas, batok, at sabunot niya sakin.
Yung kadaldalan niya.
Siya.
Yung taong mahal na mahal ko, iiwan ko na.

Matatapos na ang kanta. Bigla akong niyakap ni Elaine. Nararamdaman ko ang mga luha niya. Niyakap ko rin siya ng mahigpit. Ayaw ko na siyang pakawalan.

Ngunit sa tuluyang pagtatapos ng kanta, siya na mismo ang kumalas sa pagkakayakap sa akin. Pinunasan ko ang luha sa kanyang mga mata at hinalikan ko siya sa noo.

Pagpasok ng bagong kanta ay may kumalabit sa akin, si Mark. Manliligaw ni Elaine.

Kasabay ng pag-abot ni Elaine sa kamay ni Mark, ay ang unti-unti kong paglalaho sa lugar na iyon.

“Mahal kita Elaine. Mahal na mahal.”
Kasabay ng mga katagang binitawan ang pag-agos ng mga luhang nag-uunahan.


END.

2 komento: