The only constant thing in this world is Change.
Sa aking paglalakbay, hindi lang ako naging abala sa aking pag aaral. Naging abala rin ako sa pakikipagkilala, pakikipagkaibigan, at pakikisalamuha sa mga tao. Sa dalawang daang taon na pagbalik balik ko dito sa mundo, nakita ko ang pagbabago. Simula sa pagkakaraon ng radyo, na sinundan ng pagkakagawa ng black and white na tv. At sadyang hindi marunong makuntento ang mga tao, gumawa ng paraan at naging epektibo naman. Ang kinalabasan? Colored tv. Higit na mas nakakahalina at nakawiwiling panuoran. Sa paglipas ng panahon ay nagkaroon din ito ng iba't ibang sukat. At ang latest? Flat screen tv. Isa lamang yan sa mga pagbabago o pag-angat ng teknolohiya. Nakakatuwang tingnan, ngunit para sa akin ay hindi ganoon kaganda para sa sanlibutan. Dahil sa pagbabagong dulot ng teknolohiya, kakailanganing sumabay ng mga tao sa pagbabagong ito, kasama ako do'n.
Laging sinasabi ng mga nakatatanda na maswerte ang mga kabataan ngayon dahil higit na napaka dali na ng mga gawain para sa kanila. Totoong napaka dali na ng mga gawain, ngunit maswerte nga ba silang maituturing?
Kasabay ng pag angat ng teknolohiya ay siya namang pagsama ng sanlibutan.
Totoo, pasama na ng pasama ang mundo. Kurapsyon dito, kurapsyon diyan. Krimen dito, krimen diyan. Giyera dito, giyera diyan. Kalayaan? Kapayapaan? Nasaan? Magandang katanungan na isa lang ang kasagutan. Nasa puso ng tao. Ngunit hindi iyan ang pinupunto ko. Ang ipinupunto ko ay ang pagbabagong sadyang nakakalungkot kung titingnan na parang hindi na masusulusyonan. Ikaw na nagbabasa nito, alam mo naman siguro ang pagbabagong tinutukoy ko.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento