lumilipas ang araw
laman ng isip ay ikaw
laging nababagabag, nag-aalala
iniisip kung ayos ka lang ba
gusto kong maintindihan
madami akong katanungan
bakit nga ba ako iniwan
ano ang tunay na dahilan
sa kabila ng lahat ng ito
ay aking napagtanto
inuunawang pilit
kahit sa puso'y masakit
paano nga ba hindi
hahantong sa ganito
gayong isa lamang akong
alikabok na nakakapit sa bato
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento