Huwebes, Hulyo 17, 2014

Pinagbigyan ng Langit

Dahil sa nalaman at nakita ko, gusto ko na siyang tulungan. Hindi ko na kaya na panuorin lang siya araw-araw ng ganyan.

Bumalik ako sa langit at isinaad ang aking saloobin tungkol sa babae. Hiniling ko na gawin Niya akong tao. Siyempre, hindi Siya pumayag. Pagbibigyan Niya ako ngunit hindi Niya daw ako gagawing tao. Sa halip ay ginawa niya akong ibon.

Magsisilbi daw na pagsubok ito para sa akin. Paano ko siya matutulungan kung hindi ako nakakapagsalita?

Kung gusto may paraan. At may naisip na rin naman ako. Pag sapit ng umaga, inihanda ko na ang papel at sinulatan koi to. Pagkatapos ay itinali koi yon sa paa ko. Kung paano ko ginawa yun, wag niyo ng alamin.

Lumipad ako patungo sa bintana ng kanyang kwarto. Sarado. Tinuka ko iyon ng tinuka hanggang sa buksan niya.

Pag bukas niya ng bintana ay agad nag-unahan ang liwanag patungo sa loob ng kwarto niya. At dahil sa liwanag ay nasilayan ko ang kanyang mukha. Nakatayo nga siya pero nakapikit pa at gulo-gulo ang buhok.xD Halatang nagising ko siya.

“Tweet tweet tweet!”

Sa paghuni ko ay minulat niya ang kanyang mata at ngumiti sa akin.

“Good  morning ibon.”

May mga maririnig din na ibon na nag-aawitan sa paligid. Dahil dun ay napaawit din siya.

“A-a-aaa~”

At tumugon ako sa awit niya.

“Twee-twee-tweet~”

“A-a-aaa~”

“Twee-twee-tweet~”

“A-a-aaaaaaaa~”

“Twee-twee-tweeeeeee-“

“Haha.”

Naputol ang pag-awit ko ng marinig kong natawa siya saglit.

Lumipad ako paikot sa kanya at dumapo sa bintana. Nakita kong napansin niya yung nasa paa ko. Lumapit siya sakin at kinuha yung papel.

“You sing beautifully that birds will explode.”

Natawa siya. Hindi. Natuwa siya.

“Fiona lang ang peg?”

Nang makita ko ang ngiti sa mga mata niya, lumipad na ako palayo kasabay ng iba pang mga ibon.

Araw-araw ay ganun ang naging gawain ko. Laging may dalang sulat sakanya para pagandahin ang umaga niya. Hindi na rin ako nahirapan dahil tuwing pupunta ako sa bintana niya, hindi na ito nakasarado. Hinihintay ko nalang na magising siya at makita niya ko.

“You’re a princess even after midnight.”

“Love is an open window. “

"I don't need a genie. You're already a wish come true."

“Hakuna matata. It means no worries for the rest of the day.”

“You. A girl worth fighting for.”

“I don’t need a mirror. You’re the fairest of them all.”

Tuwing papasok din siya sa school, lagi ko siyang binibigyan ng bulaklak. At nakikita ko naming nagiging masaya siya dahil dun.

Nakita ko yung pagbabago. Simula nung araw na kumatok ako sa bintana niya, hindi ko na siya nakita ulit na ginagawa yung bagay nay un.

Dahil masaya ako, simula kanina nung binigyan ko siya ng bulaklak habang papasok siya, hanggang ngayon na nasa loob na siya ng school ay nakadapo pa rin ako sa balikat niya.

Paakyat na siya ng hagdan kaya naman lumipad na ako. Di pa ako nakakalayo ng biglang……

*BOOGSH!!*

“Aray….”

Plakda ako sa sahig. =_____= as in facefloor.

“Hahahaha!”

o_O
“Kuya ayos ka lang?”

Napatitig ako sakanya. Natulungan niya na akong tumayo’t lahat, nakatitig pa rin ako. Nakaalis na siya, tulala pa rin ako.

“Excuse me po…”

Ay sarreh. Tulala nalang kasi sa gitna pa ng daanan.xD
Napangiti nalang ako at nasabing, “THANK YOU LORD.”


Sa huling pahina ng parehong libro na sinulatan niya, may mga bagong katagang makikita.

“Buhay man ay malupit
At kung minsa’y puno ng sakit
Magpatuloy ka at wag  mawawalan ng pag-asa
Laging bumangon sa tuwing nadadapa

Gagaling ang mga sugat ngunit mag-iiwan ng marka
Mga markang tanda na nalampasan mo ang problema
At ngayo’y haharap sa mundo ng may ngiti

Hindi lang sa labi, pati sa mga mata”

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento