Huwebes, Hulyo 17, 2014

Inihulog ng Langit

Sa sobrang kagwapuhan ko, pinatalsik ako ng langit. Wala na raw kasing ginawa yung ibang anghel kundi pag-awayan ako. Ang buhay nga naman parang life. Ayon banned ako. Dito nalang daw ako sa lupa.

Madalas akong tambay sa puso~ este sa eskwelahan niya. Ewan ko ba, lagi ko siyang sinusundan, lagi ko siyang pinagmamasdan. Hindi ako inlove. Bawal umibig ang mga anghel sa mga taga lupa. Kasi hindi naman kami nakikita ng mga tao.

May bagay lang talaga sakanya na hindi ko maipaliwanag, pero parang hinahatak at pinapakat ako ng bagay na yun sakanya.

Sa eskwelahan ko lang siya inaabangan lagi, nagjanitor kasi ako.xD joke lang. hindi ko din alam kung bakit hindi ko siya sinusundan sa bahay nila. Siguro, ayoko lang malaman kung ano yung bagay na naglalapit sakin sakanya.

Medyo weird siya, laging naka-long sleeves, kahit mainit. Pero isang bagay na lagi kong nakikita sakanya, yung ngiti niya. Yung tipo ng ngiti na parang babatiin niya bawat makasalubong niya.

Sa silid-aralan, ang kulit-kulit niya. Pala biro (kahit corny). Tapos pag tahimik yung isa sa mga kaibigan niya, siguradong lalapitan niya yun at kakausapin hanggang sa makigulo na din yung iba sa usapan nila. Isa yun sa mga hinahangaan ko sakanya.

Isa pang bagay ay, tahimik siyang tao. Parang tanga lang no? makulit kanina tapos ngayon tahimik. Eh ganun talaga siya eh. Natural na tahimik pero marunong makibagay.

Minsan pag walang guro, naka-earphones lang siya tapos nakadukdok sa desk. Pagmamasdan ko lang siya pag ganun at magtatanong ako sa sarili ko kung ano yung pinakikinggan niya.

Isang gabi, napilitan akong sundan siya hanggang sa bahay nila. Ok naman siya, alam kong ok lang siya. Pero kasi, kanina sa huli nilang asignatura, hindi siya nakikinig sa kanilang guro. Ang seryoso ng muka niya, tapos bigla siyang tumingin sakin! Syempre nagulat ako. Pero tiningnan ko siyang mabuti, at napagtanto kong nag iisip siya ng malalim kaya siya napatingin sa kisame. Oo, assuming lang ako.xD Invisible nga  pala ako.

Ilang beses siyang tumingin sa kisame, at tuwing yuyuko siya, nagsusulat siya sa huling pahina ng libro niya, wari ba’y kinokopya sa kisame ang mga salitang sinusulat. Lalapit na sana ako para mabasa kung ano man ang bagay na yun, pero bago ko pa makita ang unang salita, isinara niya ang libro at nakinig na sa kanilang guro.

Kaya naman naisip kong sundan siya ngayon. Malakas ang kutob ko na may kinalaman ang mga isinulat niya sa bagay na naglalapit sakin sakanya.

Pag dating ng bahay ay tumuloy agad siya sa kanyang silid. Hinubad ang kanyang long sleeves at sinalisihan ito ng t-shirt. Duon ko nakita, ang kwento sa kabila ng long sleeves niya.

Mga bakas ng hiwa sa kaliwa niyang kamay. Hindi mo mabibilang sa isang tingin lang.

Naupo siya sa sahig at isinandal ang kanyang ulo sa kama. Pinagmasdan niya ang kaliwa niyang kamay. At sa kanan niyang kamay, ang bagay na nag iiwan ng bakas sakanyang kaliwa.

Umiiyak siya habang ginagawa niya yung bagay na yun. Gusto ko siyang pigilan, gusto ko siyang tulungan.
Hindi ako makapaniwala na yung taong inaabangan ko araw-araw sa eskwelahan, ay itong taong nasa harap ko ngayon.

Ito ang dahilan kaya inihulog ako ng langit. Para tulungan siya.

Nakatulog na siya habang umiiyak. Pinagmasdan ko lang ang kaliwa niyang kamay na may bagong hiwa at kitang-kita ang pamumula nito. Bigla kong naalala yung librong sinulatan niya kanina. Binuklat ko iyon at ito ang nabasa ko,


“Sa madilim na silid nagtatago
Pinagmamasdan ang daloy ng dugo
Iyong makikita sa kanyang kamay
Lupit at sakit na dala ng buhay

Sa kabila ng mga ngiti at mga tawa
Kalungkuta’y makikita sa kanyang mga mata
Pader nalang ang kanyang sandalan

Mag-isang hinaharap ang kalungkutan”

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento