Huwebes, Oktubre 17, 2013

Optimistic Pessimist

tumatawa na parang walang nangyari
nakangiti na parang walang nangyayari
itinatagong pilit sa mata ng iba
ang sakit at kabang nadarama

kaya mo yan, ikaw pa
yan ang sabi nila
gawin ang lahat ng makakaya
kun'di sa huli'y magsisisi ka

sa kabila ng mga ngiti
mga luha'y nagkukubli
kaya ko nga ba
gusto ko pa ba

sabay sabay ang buhos
walang katapusang unos
puro sugat na ang tuhod
isip at puso'y pagod na pagod

ang mga sugat ay maghihilom
ako'y muling babangon
sakit at pagod ay Kanyang papawiin
mga pag-aalinlangan Kanyang aalisin

ako'y magpapatuloy
hindi hahayaang mamatay ang apoy
hindi isasara ang libro
kahit buhay ay sadyang mapaglaro

1 komento: