Miyerkules, Mayo 20, 2015

Hindi naman ako malungkot.
Mas masaya lang ako kahapon.
Kahapon nuong pag sinabi kong mahal kita,
sasagot ka na mas mahal mo ako.
Kahapon nuong pag bukas ko ng facebook ko
may message galing sayo.
Kahapon nuong pag nagpupuyat ako,
nagagalit ka't pinapatulog ako.
Kahapon nuong sinasabi mo pa sakin lahat ng ginagawa mo.
Kahapon nuong kahit busy ka kinakausap mo pa rin ako.
Kahapon nuong hindi mo nakakalimutang bumati pag gising mo at bago ka matulog.
Kahapon nuong binibilang pa natin ang mga araw simula nung sumagot ka ng oo.
Kahapon nuong sabay pa nating pinaplano ang mga bagay-bagay.
Kahapon nuong sinasabi mo pang ako ang gusto mong makasama habang buhay.

Hindi naman ako malungkot.
Mas masaya lang ako kahapon.
Kahapon nuong ako pa ang dahilan ng bawat ngiti mo.
Kahapon nuong ang ngiti mo rin ang dahilan ng pag-ngiti ko.
Kahapon nuong dalawa pa tayong nagtataka kung bakit tayo pinagtagpo ng tadhana.
Kahapon nuong dalawa pa tayong sabay na humihiling sa mga bituin.
Kahapon nuong naaasar pa natin ang isa't-isa.
Kahapon nuong nakakausap pa kita.

Hindi naman ako malungkot.
Mas masaya lang ako kahapon.

Kahapon nuong nandito ka pa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento