Huwebes, Oktubre 17, 2013

Optimistic Pessimist

tumatawa na parang walang nangyari
nakangiti na parang walang nangyayari
itinatagong pilit sa mata ng iba
ang sakit at kabang nadarama

kaya mo yan, ikaw pa
yan ang sabi nila
gawin ang lahat ng makakaya
kun'di sa huli'y magsisisi ka

sa kabila ng mga ngiti
mga luha'y nagkukubli
kaya ko nga ba
gusto ko pa ba

sabay sabay ang buhos
walang katapusang unos
puro sugat na ang tuhod
isip at puso'y pagod na pagod

ang mga sugat ay maghihilom
ako'y muling babangon
sakit at pagod ay Kanyang papawiin
mga pag-aalinlangan Kanyang aalisin

ako'y magpapatuloy
hindi hahayaang mamatay ang apoy
hindi isasara ang libro
kahit buhay ay sadyang mapaglaro

Lunes, Oktubre 7, 2013

Share entry#02

Movement or Motivated Work?

"Yung ginagawa mo yung isang bagay dahil kailangan mong gawin, movement ang tawag dun kasi yung pagiging motivated sa gawain yun yung ginagawa mo yung bagay na ‘yon dahil gusto mo." Revised words na ginamit ng classmate ko while reporting in our HBO Class. It just hit me. Bakit ko nga ba ginagawa ang mga bagay-bagay? Dahil ba kailangan o dahil gusto ko talaga? ‘Di ko kasi matukoy kung alin sa dalawa yung nangyayari sa akin most of the time. :3 I want to know. At sana malaman ko rin kung ano ang gusto ko. In time…

-CLR

Alikabok sa Bato

lumilipas ang araw
laman ng isip ay ikaw
laging nababagabag, nag-aalala
iniisip kung ayos ka lang ba

gusto kong maintindihan
madami akong katanungan
bakit nga ba ako iniwan
ano ang tunay na dahilan

sa kabila ng lahat ng ito
ay aking napagtanto
inuunawang pilit
kahit sa puso'y masakit

paano nga ba hindi
   hahantong sa ganito
gayong isa lamang akong
   alikabok na nakakapit sa bato

Share entry#01

I can always be my dumb, clumsy, and carefree self.. Cause I dont have to please anybody.. I already have people who can pissed me off and make me shut my mouth but still able to cheer me up. I have people whom I can cry on/can make me cry but will always wipe my tears dry (lets forget the sabunot batok at lait n kasama).. I have people who are faithful enough to stay with me though they have reasons to walk away.. People who believes in me even though I failed. And most of all people who love me so much that would mess their beautiful selves just to tag along with my hilarious roller coaster life..

-MM

Martes, Oktubre 1, 2013

Ullyphobia

Siga man kung iyong titingnan
Mayroon din namang kinatatakutan
Pag nandiyan na ay hindi mapakali
Minsan pa nga'y napapatili

Ano nga ba'ng mayroon yaon
Pag nandiya'y tila napapatalon
Tsinelas lang naman ang katapat
'Wag lang ibubuka ang pakpak