Tumigil ako sa pagbabasa. Bakit kailangan mag let go?
Siguro nga, kailangan ko ng pakawalan yung isang tao na wala na, yung taong wala naman talaga.
Siya lang ang meron ako. Ang akala kong meron ako.
Hindi ko na siya makikita ulit. Hindi na siya babalik. Ang mayroon na lang ako ay yung mga ala-ala na kasama siya.
Balik sa dating buhay bago ko siya makilala. Ganitong-ganito din yun. Pumunta ako sa playground para magbasa ng libro.
ISTORYA
Nagsisigawan na naman sina mama at papa. Nag-aaway na naman sila, kesyo nangbababae daw si papa, wala ng ginawa kundi maglasing. Yung mga ganung bagay ba. Nagdesisyon akong umalis na lang muna sa bahay para di ko sila marinig. Ganun naman kasi sila lagi, pero kahit anong pag-aaway pa yan, hindi nila iniiwan ang isa't-isa, ang ganda ko kasi. Haha.
Nandito ako ngayon sa masyadong malayong playground mula sa bahay namin.
O_o (, - -)
Pumulot ako ng tatlong maliit na bato tapos umakyat ako sa slide. Dun ko trip magbasa eh. De joke. May nakaupo kasi sa swing.
Binuklat ko yung libro, tapos naghandang ibato yung isa sa mga batong pinulot ko.
1, 2, 3 *BATO!*
Haha. Nung tinamaan yung lalaking nakaupo sa swing biglang tingin ako sa libro na parang nagbabasa.
Lumingon siya sakin, tapos tinalikuran lang ako ulit.
1, 2, 3 *BATO ULIT!* (xD)
Sapul! Hahaha. Tumingin ulit ako sa libro na medyo natatawa na. Inihanda ko na yung huling bato.
Pag tingin ko sa swing wala na siya. O_o
"Ikaw yun no?"
=___= ow. Nandito na siya sa baba ng slide.
Tiningnan ko lang siya, tapos nagbasa ulit.xD
"Anong ginagawa mo dito?"
Tumingin ako sa kanya. Tapos tumingin ako sa libro. Tapos sakanya ulit.
"Gabi na, tapos mag isa ka pa. Sa bahay ka na magbasa niyan."
Hindi ko siya pinansin. Hindi ko naman kasi siya kilala.xD
"HOY!"
"Tara dito sa swing, ibabalik ko sayo."
Inagaw niya yung libro sakin kaya sumunod nalang ako sakanya.
"Akin na yan."
"Alam mo ba yung story ng prinsesang walang alam?"
Natawa ako sa tanong niya.
"Hindi eh. Ano ba yun?"
"Sige ikokwento ko sayo." ngiting ngiti niyang sinabi.
"Ganito kasi yan, Noong huling panahon, may isang prinsesa na hindi pinapalabas ever ng hari. Labing limang taon na siyang nakakulong sa palasyo. Sa pagsapit ng ika-labing anim niyang kaarawan, hiniling niya sa amang hari na palabasin na siya. Pumayag ang amang hari, sabi niya, "Sige, pero kailangan mong bumalik bago sumapit ang ikaanim ng gabi." "Yehey!! Sige po ama. Thanks. Mwuah." . At nagta-tarang na nga ang prinsesa de bobo palabas ng palasyo. Take note, pers taym niya yun kaya wala siyang alam sa mundong ibabaw. Sa patuloy niyang paglilibot, nakarating siya sa Zoo ng hindi niya namamalayan. Nakakita siya ng isang elepante. Sabi niya sa elepante, "Wow! Ang laki mo naman! at ang haba ng ilong mo! Anong tawag sayo?" sumagot yung elepante, "
"Wow ah. Sumasagot yung elepante?"
"Che! Basta sumagot!"
"Haha. Oh sige, ituloy mo na."
"sabi nung elepante, "Gusto mong malaman kung anong tawag sakin?" (with matching malaking boses). sumagot ang prinsesa, "oo naman!" "sa isang kondisyon, babatukan muna kita." . At pumayag na nga ang prinsesa. Binatukan siya nung elepante. "ang tawag sakin ay elepante." "salamat kaibigang elepante. hanggang sa muli nating pagkikita." at umalis na ang prinsesa. Nagpatuloy siya sa paglilibot ng may nakita siyang giraffe. "Wow! ang haba naman ng leeg mo! anong tawag sayo?" "Gusto mong malaman kung anong tawag sakin?"
"oo naman!" "sa isang kondisyon, babatukan muna kita." at muli, pumayag ang prinsesa. *toink* "ang tawag sa akin ay giraffe." . Nagpasalamat ang prinsesa at panandaling nagpahinga sa lilim ng isang puno. Habang nagpapahinga siya, may nakita siya sa puno, isang ugmeme."
"Anong ugmeme?"
"Gusto mong malaman kung ano ang ugmeme?"
"We? Corny.."
"Hahahahaha. Yun na yon.xD"
"Ay grabe! Haha. Akala ko pa naman may kwenta."
"Hard naman." Tapos ngumiti siya sakin.
Pinatong niya yung palad niya sa ulo ko.
"Umuwi ka na. Baka hinahanap ka na sainyo."
"Ah sige."
Ngumiti ulit siya tapos inabot sa akin yung libro.
Nung paalis na ko, bigla akong nagising.
Tama. Isa lang siyang panaginip. Napaka gandang panaginip. Yung walang kentang kwento niya nung una kaming nagkita, ngayon napakahalaga na. Ngayong wala na siya.
Binalewala ko yung panaginip na yun. Akala ko isa lang yun sa mga weird na panaginip na parang totoo. Binalewala ko kasi akala ko wala lang.
Pero kinagabihan, nakita ko na naman ang sarili ko na papunta sa malayong playground.
Nanduon ulit siya. Pero sa pagkakataong ito, may dala siyang....
baraha. =___=
Nang makita niya akong papalapit sakanya, ngumiti siya sakin.
"Kanina pa kita hinihintay."
Umupo ako sa tapat niya.
"Bakit nandito ka na naman?"
"Ako ang dapat nagtatanong sayo niyan."
Ngumiti siya ulit. Hindi na ko sumagot. Hindi ko din kasi alam kung bakit ako nandito. Pero bakit ba kasi nandito siya sa panaginip ko?
"Tara? Pares-pares?"
"Oh sige."
Naglaro lang kami ng kung ano-anong card games hanggang magsawa kami.
Tumayo ako. Tingin siya bigla.xD
"Uuwi ka na?"
Ngumiti ako. "Hindi pa. Punta lang sa slide."
Tumayo rin siya. "Tara."
Umakyat ako sa slide tapos tumingin lang sa kalangitan. Umupo naman siya dun sa dulo ng slide tapos nakatingin lang din sa langit.
Ang tahimik. Sobrang tahi--
"Oh-oh-oh I wanna feel this moment~"
"Hahaha. Adik!"
"Oh bakit? Background music mo nga eh."
"Ewan ko sayo."
"Alam mo ba?"
"Alin?"
"Na walang malaki at maliit na star?"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Pantay-pantay lang sila. Pero may mga bituin na mukang mas malaki kasi mas malapit sila sayo."
"..............."
"Nakakatawa minsan isipin na pag tumingin ka sa kalangitan, at hindi mo nakita yung malalapit na stars, maiisip mo agad na "ay? walang stars.". Pero kung titingnan mong mabuti, anjan lang sila, lagi."
Tumayo siya. Tumingin sakin at ngumiti.
"Anjan lang sila."
Lumapit siya sakin tapos nilahad niya yung kamay niya sakin. Hinawakan ko yung kamay niya at inalalayan niya akong bumaba sa slide, syempre nagpadulas na ko pababa.
Pero bago ko pa maitapak ang paa ko sa lupa, nagising na ako.
Lumipas pa ang maraming gabi. Lagi kaming nagkikita. Tuwing dadating ako sa playground, nanduon siya sa swing, naghihintay sakin. Lagi niya akong babatiin ng napakaganda niyang ngiti sabay sabing, "Kanina pa kita hinihintay.". Nagkokwentuhan lang kami at nag-aasaran hanggang sa magising ako. Minsan naglalaro kami. Ewan ko ba, naituro na ata niya sa akin lahat ng klase ng board games at card games. Kung saan niya kinukuha yung mga gamit niya, hindi ko alam. Madalas, ayoko ng magising.
Sabi nga nila, time flies when you're having fun.
Totoo, napaka-haba na ng mga araw at mahiksi na ang mga gabi para sa akin.
Isang gabi, nakaupo lang kami sa isa sa mga bench sa playground. Nakasandal yung ulo ko sa balikat niya. Sobrang tahimik. Bigla siyang nagsalita.
"25."
"Ha?"
"25 na gabi na."
Napaangat yung ulo ko at napatingin ako sakanya. Pero binawi ko rin agad yung tingin ko.
"Binibilang mo?"
"Hindi. -__-"
*TOINK*
"ARAY!"
"Oh ano?"
"Bakit mo ko binatukan?"
"Eh epal ka kasi."
"Oo na. Oo na. Binibilang ko na nga."
Katahimikan.........
"Anong nangyayari sayo tuwing naglalaho ka?"
Napatitig ako sakanya, tapos nagising ako.
Naranasan niyo na ba yung pag-gising mo, tulala ka lang kasi
ina-absorb mo pa yung nangyari sa panaginip mo?
Pero iba yung sa akin. Hindi ako yung tulala na “akala ko
totoo.” or “buti na lang panaginip lang.”
Tulala ako kasi hindi ko maabsorb yung sinabi niya. Ako
naglalaho? Pero paano?
Bigla akong pumikit at sinubukang matulog ulit.xD Relate?
Diba pwede naman yun? Nagbabakasakaling matuloy yung panagip ko.
Pero wala. Hindi na ko makatulog. Weird. Parang totoo na
lahat. Seryoso ba yung line niya na “kanina pa kita hinihintay.”? Tuwing
magigising ako, anong nangyayari sakanya? Anong nangyayari sakin?
O_O
Naglalaho ako!! \(*0*)/
(Biglang may kakanta ng *pindutin ang link. :3* http://www.youtube.com/watch?v=VauzhTAuoFw )
Ok tama na yan.xD
Naglalaho ako sa playground tuwing nagigising ako. Tapos siya? Anong nangyayare sakanya?
=____= sabi ko nga itatanong ko na lang pag nagkita kami ulit eh.
Lumipas ang araw.xD excited kasi. Hahaha. Opo, mas gusto kong matulog at makasama siya. Mas maganda ang mundo sa panaginip ko. Simula nung makita ko siya sa playground, wala na yung mga gabing hindi ako makatulog dahil malungkot ako, wala na yung mga gabing makakatulog na lang ako kakaiyak. Wala ng "sleepless nights".
Wala munang sleepless nights.
*tulog na ko ulit*
As usual.
"Kanina pa kita hinihintay." with nakaka-in-like na ngiti.
"Bakit mo ba ko laging hinihintay?"
"Eh yun lang naman ang magagawa ko eh, ang maghintay sayo."
*nag blush naman daw ako.xD*
Tiningnan ko lang siya.
Biglang naging seryoso yung muka niya.
"Tara. Usap."
"Tungkol saan naman?"
"Gusto ko lang malaman kung ano ba talaga yung nangyayare. Kung bakit ka naglalaho."
"Ah oo nga pala. Tungkol dun, kagabi, naglaho ako nung tinanong mo ko diba?"
"Oo. Anong nangyayare sayo?"
"Nagigising ako."
"Ahh.."
Sandaling katahimikan.
"Naaalala mo lahat? Simula sa una nating pagkikita?"
"Oo."
"Kung gayon, panaginip mo lang lahat to? Panaginip mo lang ako?"
Ang sakit nung tanong niya. Pero nakikita kong nasasaktan din siya.
"Oo. Panaginip lang lahat. Parte ito ng buhay ko na ako lang ang nakakaalam."
"Pero naaalala mo talaga lahat? Yung parang lahat 'to, totoo?"
"Oo."
Katahimikan.
Anong meron? Kakaiba siya ngayon. Napaka-seryoso. Hindi maganda kutob ko dito ah.
"May problema ba?"
"Oo. Naglalaho ka, ako hindi. Hindi PA."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Panaginip lang din kita."
"Pero hindi ka naglalaho."
"Hindi pa ko nagigising."
"26 days ka ng tulog?"
"Ganun na nga."
"Posible ba yun? Coma?"
"Hindi. Maximum of 100 days."
"Ha?"
Hindi ko siya maintindihan. =___=
"May kokwento ko sayo." :D
"Eh? Sige."
"Naniniwala ka ba sa mga alien?"
"Eh? Hindi. -___-"
"Maniwala ka na. Haha. Kasi matagal na panahon na ang nakakalipas, ng may isang alien ang bumisita dito sa mundo niyo."
"Seryoso ka ba?"
"Oo! Tropa nga kami eh. Haha."
"O sige na tuloy mo na. -__-"
"Sungit. Eto na, ang mga alien kasi, pag nasasaktan sila, nagmomove-on sila sa pamamagitan ng pagtulog. Pinaka-matagal na pwede nilang itulog ay 100 days. Anytime sa pagitan ng 100 days na yun, pwede silang magising. May mga pagkakataong pag sobra silang nasaktan, kahit matulog sila ng 100 days, magigising pa rin sila na dala yung sakit na yun sa puso nila.
Ngayon, yung alien na yun, nain-love siya sa isang babae. Kaya lang, hindi siya pwedeng manatili dun sa lugar nung babae kasi may mga mahahalagang bagay siyang dapat gawin para sa planeta niya. Sobrang minahal niya yung babae, pero kailangan niyang umalis. Hindi ko na alam kung anong nangyare sakanya nung iniwan niya yung babae, ang alam ko lang, eto siya ngayon, kausap mo, nagkokwento sayo."
O_O
"Seriously??"
"Yes. At yun yung problema. Ano ba para sayo yung panaginip na to?"
"Ito nalang hinihintay ko gabi-gabi!"
"Paano kung isang gabi, pag tulog mo, wala ng naghihintay sayo?"
"Adi ako naman ang maghihintay sayo. Lagi pa rin akong pupunta dito."
Nginitian niya ko. Pero kakaiba yung ngiti niya na yun. Basta may something, hindi ko matukoy kung ano.
Dapat ba kong maniwala sa mga sinasabi niya? -___- Walang katotohanan naman eh.
"Magkwento ka nga." ^___^
"Ano naman ikokwento ko?"
"Kahit ano. Nadapa ka kanina, nauntog ka nung pababa ka ng jeep, nalaglag yung piso mo, yung mga ganun? Basta kahit ano." ^___^
*sigh* "Oh sige. Tungkol to sa kapatid ko. Haha. First year high school pa lang ako nun. Tanghali, nagkataon na sabay kaming pumasok. Tapos may dala siyang boteng baunan na may laman na juice. Sabi niya sakin, "ate, pipikit ako. sabihin mo sakin pag babangga ako ah.". Akala ko nagtitrip lang siya, adi hindi ko pinansin. Tapos nauna na kong naglakad sakanya. Hindi pa ko nakakalayo, biglang may tumawag sakin. Hahahahaha. Pag lingon ko, andun yung kaklase ko nung elementary, tapos tinuro niya yung kapatid ko. Hahahahaha. Yung kapatid ko, nalaglag sa kanal. Hahaha. Nakakatawa pa yung itsura niya kasi hindi talaga niya binitawan yung bote. Nakataas yung kamay niya na may hawak na bote, tapos lubog sa kanal yung kalahati ng katawan niya. Hahahaha. Iyak siya eh."
"HAHAHAHAHAHAHA........."
Nakatingin lang ako habang tuwang tuwa siya. May sasabihin pa sana siya, kaso nagising ako.
Hayy buhay. Isip.... Isip....
Hindi naman masama kung susubukan ko.
Kumuha ako ng bondpaper, ruler, at lapis. Gumawa ako ng 100-day calendar. Tapos nagcross-out ako ng 26 days. Nasisiraan na ko ng bait.
*kinagabihan*
=___= bakit ayaw ko pang matulog? Nandun siya. Naghihintay sakin. Diba? Nandun pa siya....
Nakatulog na ko sa kakaisip.
"Parang late ka ata ngayon?"
"Ah may tinapos lang akong assignment."
Ngumiti siya. Ngiting nakakapag alis ng mga pag-a-alinlangan ko.
Sa tingin ko alam niya kung anong tumatakbo sa isip ko.
Buong oras na magkasama kami, pinapasaya lang niya ko.
Tuwing makikita niyang nawawala yung ngiti sa mga labi ko, ngingitian niya ko ng sagad hanggang tainga. Yung klase ng ngiti na hindi mo maiiwasang mapangiti rin.
Natapos ang gabing iyon ng masaya.
Yung feeling na pag gising mo, ngiting-ngiti ka? ^______^
Time flies when you're having fun.
Bago ako matulog, tiningnan ko muna yung kalendaryo ko. Yung may 100 days.
56 days na pala.
Natulog na ko agad.
Pagdating ko dun, ngiting ngiti na naman si loko. At may hawak siyang gitara. O__O
Nung paglapit ko, nag-strum na agad siya. Tapos nakatingin siya sa mga mata ko.
Natutunaw ako! xD joke lang. Pero hindi ako makatitig sakanya.
Nagsimula na siyang kumanta.
"It might not be the right time
I might not be the right one
But there's something about us, I want to say
'Cause there's something between us anyway
I might not be the right one
It might not be the right time
But there's something about us I've got to do
Some kind of secret I will share with you
I need you more than anything in my life
I want you more than anything in my life
I'll miss you more than anyone in my life
I love you more than anyone in my life"
After nung huling strum niya.....
*CLAP CLAP CLAP* xD
Oo, pinalakpakan ko siya. Haha. Natawa nalang siya sakin eh.
Ibinaba niya yung gitara tapos lumapit siya sakin.
Tinitigan niya ko, tinitigan ko rin siya.
Tapos, tapos, tapos hahawakan niya yung muka ko!!
Napapikit ako.
Pag-dilat ko, wala na. Gising na ko. =___=
Kinagabihan nun, hirap na naman akong matulog. Simula nung day 26, lagi nalang akong natatakot. Natatakot na baka pag tulog ko, wala na yung taong~ este alien na naghihintay sakin. Pero nanduon pa rin sa loob ko yung pag-asa. Umaasa ako na lagi siyang nanjan. Umaasa ako na hindi totoo yung 100 days niya.
Madalas nakakatulog nalang ako ng hindi ko namamalayan, at ganuon din ngayon.
Napatayo siya bigla sa swing nung makita niya ko. Tapos nagtatakbo siya palapit sakin at......
niyakap niya ko! O____O
"Okaaayyy." Awkward. "Anong meron?"
Hinigpitan niya yung yakap niya sakin.
"Akala ko hindi ka na dadating!"
"Uhh, bakit??"
Bumitaw siya sa pagkakayakap sakin. "Ito yung pinaka-late na dating mo! Hindi ako mapakali kanina pa."
"Eh? Sorry."
"*sigh* Ok lang. Nandito ka na ngayon." ^______^
"Kung pwede nga lang hindi na magising eh." Pabulong kong sabi.
"Ha?"
"Ah wala." ^__^
Tiningnan ko siya. Alien talaga to. May bago na naman sakanya. Ngayon ko lang nakita yun.
"Saan mo nakuha yan?" with matching dutdot dun sa peklat niya sa kilay.
"Ganda no?" ^___^
"Anong maganda sa peklat? Ipapaalala lang niyan sayo yung masakit na nangyare sayo."
"Tama ka. Pero may istorya yan."
"Oo na, oo na. Game, kwento."
"Aksiden~ ay hindi. Katangahan to eh. Nagba-bike ako nun. Sobrang bilis. Nagpapaligsahan kasi kami nung mga pinsan ko. Ginagaya namin yung sa royal. Yung "no hands", "no feet". Nung turn ko na, ayun nga sobrang bilis, tapos hindi ko alam kung anong trick ang gagawin ko, hindi na ko nakapag isip, ayun, bigla kong ginamit yung dalawang preno ng sabay. Biglang tumigil yung bike, tapos ako lipad. HAHAHA."
"Tuwang-tuwa ka sa katangahan mo ah. Haha."
"Syempre naman. See my point?"
Tapos kinindatan ako. =____=
"Nasugatan ako sa tuhod, siko, balikat, at yung pinaka malalim, dito sa kilay." ^____^
"Nagbike ka pa pagkatapos nun?"
"Oo naman. Parte na ng buhay ko yung bike. At kahit ilang beses akong masaktan dahil dun, gagawin ko pa rin. Iba kasi yung saya na dala ng pagba-bike sakin."
Ngumiti siya sakin tapos pinatong niya yung kamay niya sa ulo ko. Nginitian ko din siya.
Nabasag yung ngiti ko ng makita kong unti-unti siyang naglalaho. Gusto kong magsalita, pero walang lumalabas sa bibig ko.
Alam kong alam niya kung anong nangyayari. Huling ngiti. Isang napakaganda at napakasakit na ngiti ang iniwan niya sakin.
Wala na. Wala na siya.
Ilang sigundo pa ang lumipas bago ako tuluyang bumigay. Umiyak lang ako ng umiyak.
Hanggang pag gising ko, umiiyak pa rin ako. 58 days.
-----------------------------------------------------------
Ngayon yung ika-100 day. Panahon na para pakawalan kita. Pero gusto kong malaman mo, sa ika-59 day, hanggang ngayon, umaasa akong pagtulog ko, makikita kita ulit.
Yung ngiti mo.
Yung mga istorya mo.
Yung mga kalokohan mo.
Yung mga ka-cornyhan mo.
Yung lagi mong pagpapasaya sakin.
Ikaw.
Scars don't heal. Alam kong ito ang ibig mong iparating sa huli mong kwento. Na yung pangyayari sa ating dalawa ay mag iiwan ng malaking peklat sa mga puso natin. Sa puso ko. Lagi nitong ipapa-alala sakin na wala ka na. Pero napakaganda ng peklat na to. Dahil naging masaya ako, isang peklat na puno ng magagandang ala-ala kasama ka. Mga ala-ala na nabuo sa mundong hindi alam ng iba.
Kahit ilang beses akong masaktan dahil sa pag-ibig, patuloy akong iibig at magtitiwala. Parte na to ng buhay ko. At alam ko kung ano yung saya na mayroon sa pag ibig.
Hindi man natin nasabi sa isa't-isa, hindi ko man nasabi sayo. Inibig, ini-ibig, at patuloy kitang iibigin, nasaan ka man, totoo ka man o sadyang isang napakagandang panaginip lang.
Kinagabihan nun, hirap na naman akong matulog. Simula nung day 26, lagi nalang akong natatakot. Natatakot na baka pag tulog ko, wala na yung taong~ este alien na naghihintay sakin. Pero nanduon pa rin sa loob ko yung pag-asa. Umaasa ako na lagi siyang nanjan. Umaasa ako na hindi totoo yung 100 days niya.
Madalas nakakatulog nalang ako ng hindi ko namamalayan, at ganuon din ngayon.
Napatayo siya bigla sa swing nung makita niya ko. Tapos nagtatakbo siya palapit sakin at......
niyakap niya ko! O____O
"Okaaayyy." Awkward. "Anong meron?"
Hinigpitan niya yung yakap niya sakin.
"Akala ko hindi ka na dadating!"
"Uhh, bakit??"
Bumitaw siya sa pagkakayakap sakin. "Ito yung pinaka-late na dating mo! Hindi ako mapakali kanina pa."
"Eh? Sorry."
"*sigh* Ok lang. Nandito ka na ngayon." ^______^
"Kung pwede nga lang hindi na magising eh." Pabulong kong sabi.
"Ha?"
"Ah wala." ^__^
Tiningnan ko siya. Alien talaga to. May bago na naman sakanya. Ngayon ko lang nakita yun.
"Saan mo nakuha yan?" with matching dutdot dun sa peklat niya sa kilay.
"Ganda no?" ^___^
"Anong maganda sa peklat? Ipapaalala lang niyan sayo yung masakit na nangyare sayo."
"Tama ka. Pero may istorya yan."
"Oo na, oo na. Game, kwento."
"Aksiden~ ay hindi. Katangahan to eh. Nagba-bike ako nun. Sobrang bilis. Nagpapaligsahan kasi kami nung mga pinsan ko. Ginagaya namin yung sa royal. Yung "no hands", "no feet". Nung turn ko na, ayun nga sobrang bilis, tapos hindi ko alam kung anong trick ang gagawin ko, hindi na ko nakapag isip, ayun, bigla kong ginamit yung dalawang preno ng sabay. Biglang tumigil yung bike, tapos ako lipad. HAHAHA."
"Tuwang-tuwa ka sa katangahan mo ah. Haha."
"Syempre naman. See my point?"
Tapos kinindatan ako. =____=
"Nasugatan ako sa tuhod, siko, balikat, at yung pinaka malalim, dito sa kilay." ^____^
"Nagbike ka pa pagkatapos nun?"
"Oo naman. Parte na ng buhay ko yung bike. At kahit ilang beses akong masaktan dahil dun, gagawin ko pa rin. Iba kasi yung saya na dala ng pagba-bike sakin."
Ngumiti siya sakin tapos pinatong niya yung kamay niya sa ulo ko. Nginitian ko din siya.
Nabasag yung ngiti ko ng makita kong unti-unti siyang naglalaho. Gusto kong magsalita, pero walang lumalabas sa bibig ko.
Alam kong alam niya kung anong nangyayari. Huling ngiti. Isang napakaganda at napakasakit na ngiti ang iniwan niya sakin.
Wala na. Wala na siya.
Ilang sigundo pa ang lumipas bago ako tuluyang bumigay. Umiyak lang ako ng umiyak.
Hanggang pag gising ko, umiiyak pa rin ako. 58 days.
-----------------------------------------------------------
Ngayon yung ika-100 day. Panahon na para pakawalan kita. Pero gusto kong malaman mo, sa ika-59 day, hanggang ngayon, umaasa akong pagtulog ko, makikita kita ulit.
Yung ngiti mo.
Yung mga istorya mo.
Yung mga kalokohan mo.
Yung mga ka-cornyhan mo.
Yung lagi mong pagpapasaya sakin.
Ikaw.
Scars don't heal. Alam kong ito ang ibig mong iparating sa huli mong kwento. Na yung pangyayari sa ating dalawa ay mag iiwan ng malaking peklat sa mga puso natin. Sa puso ko. Lagi nitong ipapa-alala sakin na wala ka na. Pero napakaganda ng peklat na to. Dahil naging masaya ako, isang peklat na puno ng magagandang ala-ala kasama ka. Mga ala-ala na nabuo sa mundong hindi alam ng iba.
Kahit ilang beses akong masaktan dahil sa pag-ibig, patuloy akong iibig at magtitiwala. Parte na to ng buhay ko. At alam ko kung ano yung saya na mayroon sa pag ibig.
Hindi man natin nasabi sa isa't-isa, hindi ko man nasabi sayo. Inibig, ini-ibig, at patuloy kitang iibigin, nasaan ka man, totoo ka man o sadyang isang napakagandang panaginip lang.